Thursday, September 11, 2008

If you Remember the 80's, You'll Remember the 90's?

Yeah teenage years!


If You Remember the 80's, You'll Remember the 90's!

(Disclaimer: Before reading this, it would be best to have read first the Do You Remember the 80's entry to have a good background of the 90's.)

Seems it was just like yesterday people, but nooooo!  It's more than a decade ago!  Yep that's right.  Kung nung 80's kayo yung gradeschool pupils na naiinis sa mga highschool with raging hormones, sa 90's kayo na ang mga highschool na wala nang mapaglagyan ng rumaragasang hormones! Isang feeling na highschool kung saan pupunta lang sa mall with the classmates ay big planning pa ang kailangan,  o kung mas adventurous ang barkada mo, ay tatakas upang maki rave sa Euphoria!  Okay let's take another trip down to memory lane, back to when bushy eyebrows ka pa at buhaghag pa ang iyong buhok, nope hindi si Claudine ang kausap ko.  Kayo!

Okay, let's go to TV shows,  of course ang pumatay sa That's Entertainment na up until now in denial pa si Kuya Germs, walang iba kundi ang... 4:30 na!  Ang TV na!  Doowa diddy diddy dum diddy doom!  Kung saan nagsimula si Claudine Barretto, na para lang isang (very) mabuhok na version ni Gretchen.  Nagde daydream ka pa noon na makapasok at maki joke ng "Esmyuskee!" at maki "NYEHH!!!" ?  (Aminin! kahit Atenista ka pa naisip mo yon no!)... Ang pumatay naman sa GMA Supershow, na in denial pa rin si Kuya Germs, ang Sa Linggo na Po Sila.  Aba binuhay ang APO! at iba-iba na ang outfit sa isa't isa! Dito nakilala ang Crush ng Bayan na si Agot at ang Kilabot ng Kolehiyala na si Ariel Rivera (Kilabot nga!)...  Ang ibang shows naman tulad ng Lovingly Yours Helen, Eye to Eye, at Connie Reyes on Camera (na iniisip nyo pa kung ano ang ibig sabihin ng CAN productions --- Constancia Angeles Nubla, o di ba updated?) ay nawala na sa ere, walang pumatay sa kanila na show, kusa silang namatay.  Na-outlive pa sila ng Kapwa Ko Mahal ko, na umabot pa sa bagong milenyo. Di nyo na napansin dahil kinabitan na kayo ng Cable... Ang pinagmulan ng tambalang Juday at Gladys, Ang Mara Clara.  Di ko sinubaybayan ito pero di ko maisip kung bakit alam na alam kong may pinaghahanap silang diary at kwintas!  Common knowledge na ba yon?... Pag Saturday, palipat lipat ka ng channel dahil lito ka kung sinong loveteam ang gusto mong abangan, kung si Peachy and Joaq ng TGIS or sina Gina and Gary ng Gimik!... Sa gabi naman ay magtutune in sa Tropang Trumpo, ang show na nagpabalik ng Channel 5 sa mapa, kung saan napauso ang chicken dance to the tune of Caronia, at kung saan inaabangan ang Battle of the Brainless...  At siempre tuwing Sunday afternoon, ang Showbiz Lingo as in Ling-goe!  Kung saan nakilala ang Roderickish na genderless din, na si Butch Francisco at ang Estafa Queen na si Tita Cristy.  Nakikihula ka pa sa kanilang showbiz trivia bago mag commercial at aabangan mo ang sagot sa kanilang pagbalik!  Saya di ba?... 

Commercials naman... sorry ha isa lang talaga nag stick sa kin nung 90's.  Ang "Nano, Nananana-nano, Nananana-nano, Nananana-nano. O Nano Nano you drive me crazy, I really love what you've done to me.  Sweet, sour and salty... Nano Nano,  Nano Nano, Nano Nanoooooo (with tremulo pa)!!!".  Yun lang.  Nagstick nga ang jingle na yon pero pag nasa grocery, Nagaraya pa rin ang dinadampot.  Talk about useless efforts.

Entertainment naman... Syempre ang Guwapings!  Na sino Jomari, Eric, and Mark na nagsimula bilang Benchbrats.  Litong-lito ka pa kung kasali si Jao Mapa sa kanila, sorry hindi po talaga.  Litong-lito ka rin kung sino sa tatlo ang may pinakamatigas na katawan sa pagsayaw ng Extasi, Extano at Twilight Zone. Ang mga dalagita inggit na inggit pa non kay Abby Viduya (na Priscilla Almeda na sa Japan ngayon) dahil sya ang chicks ng Gwapings.  Ginagaya mo pa ang kanyang shower bangs. At ang mga lalaki naman ay kunwari daw walang pakialam, pero di naman mawari kung sino sa tatlong Guwapings ang buhok na gagayahin!  (Aminin, kahit Atenista pa kayo naisip nyo yon!)...  Ang UMD naalala mo pa? Universal Motion Dancers ni Kuya Germs na pinauso ang sayaw ng Stars, I hope you comb your hair!  Mali pa lyrics.  Sila nagpauso ng mala Chicos disco na dance craze na Always by Erasure, diring-diri ka pa tuwing napapanood mo silang sayawin yon sa TV pero nakikitalo naman sa mga tao sa pagalingan mag-execute ng dance step, kunyari patawa pero ang totoo gusto mo lang talaga syang gawin!  Ganito rin style mo nung nauso ang Macarena dance craze!  Heeey Macarena! -- aba feel na feel!

Sige movies naman.  Nawala na ang ST films ng Seiko (hindi yung wallet pero maswerte din - sa takilya).  Pumalit naman ang mga massacre movies!  Na lahat na lang ng pinatay at rinape ay sinasapelikula!  Dito umusbong ang career ni John Regala, na casted lagi bilang isang rapist.  Common knowledge din yon!  Pati ba naman si Lorena Bobit na pumutol ng alam mo na, sinapelikula pa!  Ang tiyaga ng script writer non ha.  Pinagaksayahan ng oras gawan ng script ang pagputol ng alam mo na.  Pinoy talaga.

Sa fads naman,  ang Number Fever ng Pepsi!  Na nagka aberya pa sa numerong 349, na nagpanalo sa milyong-milyong pamilya sa buong Pilipinas! Mamiso tuloy ang premyo!  Coke ang may pakana non I'm sure, ala naman ang Pop! may pera ba sila for that?  Ang RC cola?  Lalo nang hwag pag-isipan.  Teka lumalayo na, balik sa fads... ang gimikan, pag sosyalin o laking Sesame street, Euphoria, ABG's, San Mig, Giraffe.  Pag laking Batibot, Club Dredd, Meyricks o Campo! Kung saan may "gigs" ang Eraserheads, Rivermaya, Teeth at kung sino sino pang mga alternative bands... Sa early 90's nag start ang Hiphop era(hiphop hooray, hooo! hey! hooo!-- naks panahon!) Mas malapit ang crotch ng maong sa sahig, mas IN!  Wala nang lugar sa mundo ang mga taong naniniwala pa sa High-Tuck in (itago na si Romnick!).  Pag di Doc Martens ang shoes - OUT ka!  Pag di Saint Michaels ang socks - OUT! Peer pressure talaga!... Okay sa sasakyan naman, nung 90's lumabas ang mga FX!  Eto ata ang best feature ng 90's dahil eto talaga ang napakinabangan ko kahit nga bang sardinas kang ituring lalo na pag nakaupo ka sa gitna.  Driver pwede, matter is anything that occupies space and has weight!  Matter kami! So kung di na talaga kasya, accept it and move on!... Dito sa FX mo maririnig ang ultimate pang songhits na kanta ng MLTR (Michael Learns to Rock - care?) alternating with the songs of Stevie B!  Wala kang biyahe sa school na hindi mo maririnig ang "25 minutes too Late",  "Paint my Love" and "You took me Out of the Blue".  Minsan sisingitan pa ng "What's up?".  Parusa talaga.  Di ka magtataka kung bakit mo memorize ang mga kantang ito without even trying to memorize them (aba dapat lang without trying ha!). So alam nyo na kung bakit memorize nyo ang mga hits ng Air Supply kahit na di mo sila type!  Haaaay, kung pwede lang pumara at ma-late.        
    
Memorable ang 90's dahil eto ang transition mo sa from gradeschool to highschool and highschool to college.  O baka meron pa dyan sakop din ang college to med ha, 'te di ka na matututuwa dito kaya't huwag nang pagaksayahan ng oras basahin.


Do you Remember the 80's?

Here's something I read in my email a few years ago! This is fun, that is, to those who had their childhood during the 80's!  I like it so much 'coz it definitely brings back memories of good 'ol days! 

Do you remember the 80's?


"You better watch out, you better not cry, you better not pout I'm telling you why, Santa Claus is..." dead.
Not literally of course, tumatanda lang talaga tayo.  We no longer believe in Santa!  (Baka meron pa dyan ha, sinasabi ko na.  If you saw your mommy kissing Santa Claus, alisin mo yung hat at balbas, at mukha ng tatay mo ang bubulaga sayo! O kung tito mo man yon, wawang bata! ibalot mo na ang iyong mga damit sa isang pulang blanket na may white polkadots. Itali sa dulo ng isang wooden stick at ipatong sa balikat!  Voila! ready ka nang lumayas!)

O teka, lumalayo na tayo sa usapan.  Tumatanda ka na!  Lesbiana na ang favorite na childstar mo at ang crush mo sa That's ay mommy na sa mga shows.  Lalake na ang bading na si Tonette.  Si Dolphy iniwan na ng kanyang mga sidekicks at si Pilita na lang ang one and only oldies na walang kulubot!  Let's have a blast from the past, back to when we were called gradeschool pupils na tahimik pa sa school bus dahil overpowered ng mga highschool busmates na kumakanta ng "uwian na, uwian na" to the tune of Here comes the Bride!

Mapunta muna tayo sa Pagkain...  Yung Chizels and Chikadees na may freebies inside,  superfriends cards and playmoney etc... Si kalbong Ziggy na walang pang-ibabang saplot ay free pa sa Tang.  Kadiri!... Yung Haw flakes na bago mo isubo, bubulong ka pa ng "the body of Christ" at ikaw rin ang sasagot ng "amen"... E yung mga ibang junkies na sumakabilang-buhay na tulad ng Flag (yung bilog-bilog at technicolored na candy sa loob ng isang flag), Puffy cones, at ang mga Jack n Jill goodies na Prawn Curls, Nuts n' Pops and Munchies?...  Yung popsicle na yellow sa taas at orange sa baba, ano nga bang tawag don? up and down nga ba?... Ang lollipop na dini-dip sa powder? E yung Royco chicken noodle soup na hinahain pag may lagnat tayo.  Gumawa pa ng Alphabet at Space variants na pag overcooked naman ay buntot lang ng letter "Y" o ulo ng "P" ang nakikita!...  At yung Bazooka na palakihan pa ng mahipang bubble at ang Eat Bulaga lang ang katangi-tanging may panukat na caliper, san ba nakakabili non?!  Nababalot pa ito ng isang boring comics ukol sa buhay ni Bazooka Joe!...  Kung wala namang pera pambili ng mga nasabing goodies, mamimitas na lang ng kamias o aratilis sa kapitbahay o sisipsipin na lang ang santan na pinitas sa garden ng kapitbahay (makikiagaw pa kayo sa black ants)... 

Lets go to the TV shows... Student Canteen (na pingangungunahan nina Malou Maglutac at Chiqui Hallman) John n' Marsha, 2+2,  See True, Champoy, Cafeteria Aroma, Manok ni San Pedro, Joey and Son, Spin-a-Win?  Sige malamang hindi... Iskul Bukol kung saan galing ang mga stereotype characters na sina Miss Tapia (kung losyang), Tonette (kung lalaking fairy), at Mang Temi (kung mukhang mata at ngipin lang na lumulutang tuwing sasapit ang gabi)... Hapi house with our favorite Chuckie Dreyfus boy and the Granada girl na may mga pilikmata na tila ba'y inaabot ang mga televiewers sa kanilang bahay?...  Yung post-eat bulaga teleserye tulad ng Yagit (kung may nakitang batang mataba ay Tomtom na ang tawag)  Agila, Valiente at kung sa gabi ay Ana Liza at Flor de Luna... Sa paglipat mo naman ng TV at may nakita kang taong nakapaloob sa oblong sa may lower left corner ng TV, deep in your heart, alam mong naka tune-in ka na sa Kapwa ko Mahal ko... Nung later 80's naman ay maeenjoy nyo ang bedroom voice ni ate luds tuwing dapithapon sa Eye to Eye, kung saan walang kupas na tinatanong ni Ate Luds lahat ng nawawala ng "kilala mo ba ako?".  Siyempre sasabihin oo kahit hindi, iniiwasang mapahiya ka sa telebisyon no!  Dito rin sapilitang isinisingit ang pagdadalo ni Klang-klang sa parties ng mga anak ng artista!---Care namin 'te!... o kung sosy kayo, mommy mo nanonood ng Dallas, Knots Landing, Dynasty and Falcon Crest at ang Daddy mo ay naka A-team, Miami Vice, Knight Rider, Price is Right, Family Feud at $25,000 Pyramid... Sa cartoons, naalala mo pa ba ang Saturday Fun Machine na may He-man (binabangungot ka pa sa mukha ni Skeletor!), She-ra (na gusto mo magkatuluyan sila ni He-Man ayun pala'y mag-ate!), GI Joe, Transformers, Smurfs, Fragile Rock, Great Space Coaster at Shirt Tails!  Kala mo sosy pero sumisilip naman sa Batibot kung wala si "mom" and "dad" para lang mapakinggan ang kwentong barbero ni Kuya Bodgie, si Toto Peg at ang kanyang konsyensya at ang Kulot to the roots na hairdo ni Ate Siena (I bet naka-rebond na 'to ngayon)! "alagang-alaga namin si Puti, bakang mataba bakang maputi!".  Aminin nyo na nakapanood din kayo kahit sabihin nyo pang laking Sesame Street kayo!  Speaking of Sesame, patay na ang negrong si David, at si Maria at Luis, at si Bob at ang piping si Linda, ay mga mag-asawa na.  Sila-sila rin nagkatuluyan!  Bakit kaya si Ate Siena at Kuya Bodgie hindi?  Asa ka pa!  Marami nang nagbago sa Sesame Street, nakikita na si Snufflepagoos, pero, isa pa rin lang ang malahigad na kilay ni Bert (granting na bading daw sya, e dapat lang yung shape at bilang ng kilay ang una nyang inaatupag!)... Ang Uncle Bob's Lucky Seven club na namimilipit ka na sa inggit sa mga grand toys na ipinamimigay nila! Syeeet talaga ang gaganda!  Tita April na naabutan natin pero ok lang magaling naman mag Ingles, di halatang nauubusan.  Tinapatan pa to ng Penpen de Sarapen ni Tita Connie Angeles (pantapat sa beauty ni Tita April) na bawa't daan mo sa chanel na yon puro si Islaw Kalabaw lang ang scene na sumasayaw with backup dancers!  E sway-sway lang naman ang ginagawa habang yung backup dancers ay nagkandamatay-matay na sa pag-execute ng tiresome dance steps!  Pero all eyes pa rin on Islaw ha - unfair!...   Eto for sure naalala nyo, That's Entertainment!  Brought to you by Berds tree milk powder (ika nga ni Kuya Germs!), with 17 vitamins minerals and lecithin!  Well, makakalimutan mo ba ang pinagmulan nina Romnick (in his tight macho shirt and rolled sleeves) and Manolet Ripol?  Napinagtangkaan pang pataubin ng Star Brighters ni Kuya Boy C. de Guia.  Wish nyo lang!

Sa mga local films naman, di na nagsawa ang mga director sa kantahan sa beach at habulan sa eroplano... Kung action naman, ay malamang tungkol sa mga nangangabayong "tulisan" (na pinangungunahan ni Romy Diaz) na tumatangay ng mga babae na naliligo sa batis o sapa at syang dadalin sa kanilang "kuta" para ihain kay "pusakal"!  Ang bida ay malamang isa sa mga magkakapatid na Lapid (Si Rex, Jess o the very famous Lito), si Dante Varona, Ray Malonzo (na akala nyo ay isang Lapid din) o kaya naman ang cute na si Wengweng! --- Kung laking yaya ka, get mo ang mga pinagsasabi ko...  Sino bang makakalimot sa Inday series ni Maricel long before naisip nyang ayaw nya ng madumi?  At kung gaano ka pangit ng ichura ni Snooky sa Blusang Itim? Tulad ni Skeletor, kabangu-bangungot!   

Commercials naman tayo... Alala nyo pa ba si Eric Baines ,the "Colgate Man" na dip ng dip ng chalk sa black ink? E yng Crest toothpaste na may pasuntok-suntok pa sa palad?  Siguro hindi, pero ang Pepsodent malamang maalala nyo kasi lasang bebelgam!...  E ang pinong panlaba na gentle on hands -- Ola! Nga pala, napansin nyo bang wala na ang Superwheel?  Ha! Nagwagi rin ang Tide na talaga namang naloka na sa kakaisip ng kung ano-anong wild ingredients na secret formula kuno para pumuti pa sa puti ang labada.  Hoy Tide, hindi lahat ng damit puti!... Ang Haba-Haba ballpen na ang Ikli-ikli naman ng buhay, naalala nyo pa? At ang Liquid Paper cinocover ang mali, ang tipid, ang galing!... Ang nestea plunge na ilang beses mo na pinagisipang gawin pero ang fear mong mabagok ang only thing that's holding you back from doing so... Ang RA Homevision -- "zero in and rent your favorite videocasette tapes blah-blah", kundi pa nagpakita ng clip from Smurf ay di nyo papansinin ang commercial na ito. To the concerned owner: malamang nalugi ka dahil walang may alam ng lokasyon mo!  Binabanggit din kasi yon sa commercial lalo na't pansamantalang family business ka lang. Buti pa ang ang Arthurs Legaspi Towers in Taft Avenue made-to-order pants and barong finished within 6 hours? (perfect sa mga napikot!)... C.Y. Gabriel Wonder ang sabon ng mga artista?  Ows, meaning to say yon ang sabon ni Ate Vi and Ate Shawie? I really (100X) don't think so...  E ang 680 Home appliances na may mag-asawang unano sa ilalim ng kahon sabay kanta ng "why don't you shop around with a friend?"  Teka Rod, sisingilin mo pa yang mga kinahon mo... Ang Sheraton bed na may elepante pang kinonchaba para sumirko-sirko sa kuchon!  So elepante sa kuchon... kuchon nasa loob ng bedroom... hmmm... mabuti na nga yung handa!... Ang juicy fruit gum, na ang lead role ay binibigay lang sa mga blonde at slang, mas malinemnem!... Siempre ang paborito ng lahat ng mga bata, ang Goya Fun Factory who made us believe na may flowing stream of chocolate doon. Nagfield trip pa kami don, Dyosme! Puro gray na makina lang talaga! as in pabrikang-pabrika! Mga nagoyo ng Goya!...  PG 18 naman --- pag may babae naka bikining pula at nakasakay pa sa puting kabayo at heto't umaalog alog sa screen alam nyo na kung anong ad yon -- Red horse? Di rin.  Ano pa kundi White Castle Whisky, na di na naubusan ng starlets na isasakay sa kabayo!... Speaking of starlets, ang Technogas commercials na pinagbibidahan ng mga kamag-anak ng direktor o kung malaki-laki ang budget, itong mga starlets nga ang bida! "Look for a Star!".  Talaga lang ha, asan?... Well kung nag-tune in lang kayo sa IBC 13 at RPN 9 ay get nyo ang mga pinagsasabi ko.

Nasa commercials nga lang din tayo mapunta na tayo sa mga jingles na hindi naman natin kusang minemorize, pero whole-hearted nating alam ang lyrics... tulad ng mga kanta ng Air Supply (aminin!)... Unahin natin siyempre sa "I remember yesterday, the world was so young... Is that you Lolo.  Look at my mole!" Ganun na ba kalinaw ang mga kodak noon at kitang-kita ang nunal ni lolo sa side pa ng mukha?  Sige na nga... Sundan natin ng mala-Gulong ng Palad na rendition ng Yakult jingle "ito'y aming karangalan blah-blah... yan ang diwa ng Yakult syang tunay na diwa ng Yakult "--ewan na! Sa dinami-daming tagatulak ng Yakult cart na naitipon nila para sa commercial, wala kang makikita ni isang tagabenta ng Yakult sa kahit saang kalye sa Maynila! Mga stirero talaga! parang Goya... eto, "...laro at trabaho at all day fun you need sunglo juice drinks, dancing at the party, picnic at the park, sunglow juice drinks, sunglo juice drinks" na akala ng lahat ay si Rey-An Fuentes (magkasingkulot pero hindi talaga sya yon) ok sige, baka ako lang nakakaalala non...  eto, "i'm gonna knock on your door, ring on your bell, tap on your window too... blah-blah-blah... i'm you're friend the Electrolux man." Extinct na ang mga ginoong ito pero napalitan naman sila ng mga Mormon na sing kisig din, so wala ding loss -- as if!... Ang famous worldwide coke commercial ni Lilet "I am the future of the world, I am the hope of the nation, tra-la-la-la-la",  kahit lalaki kayo pinangarap nyo rin na kayo si Lilet sa ad na ito.  Di ba kuya?  May tagalog version pang sumunod, the lame version ... Ah eto, I'm sure alam ng lahat ng Pilipino ito by heart!...ang walang kupas na... "Seiko seiko wallet, ang wallet na __________, balat nito ay _________, international pa ang mga__________," O di ba na fill up nyo yung blanks!  
     
Syempre pag bata ka, di mawawala ang mga ubiquitous mascots na magkakamukha naman iba-iba lang ng costume!  Kumpleto pa noon ang barkadahang Jollibee, Chickee (iba pa si Chiqui Hallman), Lady Moo (ang ballerina slash cow, and not the other way around!), Miko (yung naka shorts at naka milkshake hat, as if naman may milkshake sa Jollibee!), Mr. Yum (Si Miko lang 'to na naka-Amerikana, pa-mature ba), Popo (si Miko din 'to na may fries sa bunbunan) at Hetty Spaghetti (si Miko pa rin to, pag gabi) para kalabanin ang sosyalin na Amboys na sina Ronald, Hamburglar, Birdie (hindi yung naiisip mo! ibon talaga sya) at Grimace (may ube pala sa McDo?)!  At present, mag-isa na lang si Jollibee sa mga parties without friends in contrast to Mighty Kid who has got new friends!  Di ka in kung hindi Mighty Kid ang rubbershoes mo!... Mawawala ba naman sa parties si Howie, ang mala-ulap na mascot ng Magnolia? Well sana nga, nang dahil sa kanya nagkaphobia ako sa Cumulus clouds at mga mascots!  Ni hindi ko na malapitan ang friendly mascots na sina Susie at Geno (bisayang Gino),  at sina Es and Em --- the pride of SM na nachismis pang si Henry Sy daw ang nasa loob ni Es o baka naman ni Em? Hmmm... E si Tanya at ang Rainbow Riders ng Rustan's kilala nyo? Di siguro, pang sosyal yon e...

Sa fads naman nung bata tayo... naalala nyo ba ang Yo-yo craze na may Coca-cola, Royal, Sprite designs at may exhibitions pa gaya ng Wallking the Dog at Rock-a-bye baby!  O kaya naman ang mga BMX bikes na may pa-uso pang rampa at wheelie!... Ang Game n' Watch na Mickey Mouse, Popeye, at Donkey Kong na eventuallly napalitan ng Gameboy... Ang atarri na naging Family computer (o Nintendo sa mga rich kids) kung saan naging bantog ang magkapatid na Mario at Luigi na kung saan-saan inuuntog ang mga ulo para lang makakain ng mushroom at flower (hindi ulit yung naiisip mo, as in with stem, petals, hinahabol ng bee---the works!)?  Ang up-down, up-down, Left-right, left-right, select, start para magka extra life sa Contra (Kay macho-macho sa barilan pero kung mapatay naman ay naka usli ang isang binti!)... Ang mga Panini sticker album na may Thunder Cats para sa mga lalaki, Barbie at Carebears sa mga babae at mga batang bading...  Ang mommy mo ay naka perm pa non na tila ba'y tatagal ng isang dekada with matching mala-kahon na shoulder pads pa, at ikaw naman ay nakiki-Aquanet tulad ng mga highschool sa iyong schoolbus...       

O kung naalala nyo lahat ng ito ay above 30 ka na!  Pag 50% lang, nasa 25 ang age mo. Pag wala kang naalala, dalawa lang ibig sabihin non, hindi ka pa pinapanganak, o isa ka nang robot na med student nung mga panahon na yon!